Nanindigan ang Chinese government na ‘iligal’ ang ginawang rotation at resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ito ay kasunod ng pahayag ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. na “barbaric” ang ginawa ng mga tauhan ng China Coast Guard sa mga tropang nagsagawa ng RoRe mission sa BRP Sierra Madre.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian, ‘propesyunal’ at ‘restrained’ ang ginawang law enforcement action ng CCG sa kabila ng pagbalewala ng Pilipinas sa mga babala ng China.
Inakusahan pa ni Lin na palihim na nagpapadala ang Pilipinas ng construction materials, armas, at mga bala para sa pananatili ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Maaalalang ang Pilipinas ang malinaw na may-ari ng mga inaangkin na teritoryo ng China.
Hindi kasi nila kinikilala ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbirtral ruling noong 2016, kahit na higit na malapit ang karagatang ito sa Pilipinas, kung ikukumpara sa China.
Samantala, kinondena naman ng ilang bansa gaya ng US, Great Britain, at Canada ang pinakabagong insidente ng marahas at mapanganib na aksyon ng China.