LEGAZPI- Matapos ang isang Linggo na pag-upo sa posisyon bilang bagong gobernador ng Albay, nilibot ni Albay governor Noel Rosal ang mga pampublikong hospital sa lalawigan para ayusin ang mga serbisyo at kakulangan ng gamot.
Kasama sa mga sunod-sunod na binisita ni Rosal kasama ang Provincial Health Office ang Cabasan District Hospital sa Cagraray Island, kasunod ang Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City at Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital (JBDAPH) sa Ligao City.
Sa mga nasabing ospital, ipinulong ng gobernador ang mga doctor at lahat na staff upang malaman ang mga problema ukol sa dapat na inaasahang magandang serbisyo medikal sa Albayano.
Maliban dito, dito rin nadiskubre ang kakulangan ng medisina, iba pang hospital supplies, pasilidad at napag-alaman din ang di magandang pakikitungo ng mga staff sa mga pasyente na inirereklamo ng ilan.
Binigyan ng asegurasyon ni Rosal na aayusin niya ang mga reklamo ng tao at ang serbisyo ng mga ospital na ito, uunahin niya ang pagbili ng mga gamot at supplies.
Sa mga susunod na araw, bibisitahin din ni Rosal ang iba pang hospital sa Albay na pinapatakbo ng provincial government.
Malaki naman nag pasasalamat ng mga residente dahil isa ito sa problema ng lalawigan at naniniwala naman ang mga ito ng masosolusyunan na.