Active COVID-19 cases sa Sorsogon, umakyat na sa 38; DOH may panawagan

SORSOGON CITY—Naobserbahan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon nitong mga nakaraang araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Dra. Gladys Escote, head ng Department of Health (DOH) Provincial Office inihayag nito na walang dapat baguhin sa mga ipinatutupad na interbensyon, kailangan lamang umanong mapaalalahanan ang publiko na hindi pa rin tapos ang laban kontra Covid-19 kung kaya mahalaga na mas paigtingin pa ang pagsunod sa minimum health standard.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa pinakahuling tala kahapon, sumampa na sa 38 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan matapos na kapagtala ng anim na bagong kaso.

Sa datus mula sa Provincial Health Office (PHO), tatlo sa mga nagpositibo ay mula sa bayan ng Casiguran, dalawa mula sa lungsod ng Sorsogon, habang isa naman ang mula sa bayan ng Juban.

Tatlo sa mga ito ay mga Health Care Worker at ang natitirang tatlo ay walang  travel history.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa kabuuan, umabot na sa 8,421 ang bilang ng mga tinamaan ng Covid-19 sa lalawigan, nananatili sa 476 ang bilang ng mga namatay at 7,907 na ang total recoveries.

Tatlo ang bagong nadagdag sa mga nakarekober na kinabibilangan ng mga pasyente mula sa Barangay Balete, Bacon District at Barangay Capuy sa Sorsogon City at Barangay Cogon sa bayan ng Juban.###