PTO So.Cot magsasagawa ng auction sale ng mga real properties

KORONADAL CITY- MAGSASAGAWA ng auction sale ng mga real properties na may delinquent taxes ang provincial government ng South Cotabato.

Ayon kay Local Treasury Operations Officer o LTOO IV Mario Sorongon ng Provincial Treasurers Office (PTO)na sinimulan na nila ang pag-isyu ng Notice of Delinquencies sa mga real property owners bilang paghahanda sa isasagawang auction sale sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Kaugnay nito, hinihikayat ni Sorongon ang mga real property owners na may delinquent taxes na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan at magbayad ng buwis upang hindi masubasta ang kanilang mga ari-arian.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Ang auction sale ay isang hakbang upang mapaigting pa ang real property tax collection ng lalawigan.