Psychiatric at Psychological exam ng mga pulis, pinaburan ng NCPO

NAGA CITY- Isinasapinal na ang psychiatric at psychological exam para sa mga miyembro ng Philippine National Police.

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Guillermo Eleazar matapos na masangkot ang ilang PNP personnel sa pambabaril at pagpatay sa ilang bahagi ng bansa.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Ang hakbang na ito ay pinaburan ng Naga City Police Office upang matulungan ang mga may mental health issues o may mga ginagawang mali sa organisasyon.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMS Tobi Bongon, tagapagsalita ng NCPO sinabi nito na kahit sana bawat dalawang taon dahil hindi rin madali ang proseso nito.

Malaking tulong aniya hakbang upang maging tuwid ang galaw ng mga kabaro.