PSWDO So.Cot, nakapagrelease ng P 134.7 million na assistance noong 2022

KORONADAL CITY- UMABOT sa P 134, 750, 549 ang nai-release na pondo ng Provincial Government ng South Cotabato noong 2022 sa ilalim ng Crisis Intervention Unit ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO.

Inihayag ni Crisis Intervention Unit Head Grace Aperocho na 27, 566 na mga indigent o mahirap na mga mamamayan ang nakabenepisyo nito at naka-avail ng iba’t ibang mga ayuda katulad ng hospital at medicine assistance, Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, mortuary assistance, cash assistance, rice and burial assistance at donations.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Malaking bahagi ng naturang pondo ang napunta sa Indigent Hospitalization Fund para sa hospital billing at medicine assistance ng mga pasyente na naadmit sa mga pribadong ospital na umabot sa P 68 million.

Ayon kay Aperocho na ang ibinibigay na hospitalization assistance ay depende sa babayarang hospital bill.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Nasa P 100,000 ang maximum na hospitalization assistance na ibinibigay ng PSWDO sa mga may hospital bill na umaabot sa P 2 million.

Nanawagan naman ang opisyal sa mga humihingi ng ayuda na i-comply ang mga kailangang requirements upang mapabilis ang pagproseso ng assistance.

Bukas ang PSWDO Lunes hanggang Linggo.