AGMA 2024 ng  ALECO, matagumpay na naisagawa sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Matagumpay na naisagawa ang Annual General Membership Assembly (AGMA) 2024 ng Albay Electric Cooperative (ALECO) nito lamang sabado Hulyo 6, 2024 sa Albay Astrodome, Legazpi City, kung saan ito ay nilahukan ng mga member-consumers, ilang mga emplayado at opisyal ng nasabing kooperatiba, at marami pang iba.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Achieving the goals of rural electrification: Recognizing the role of enhanced member-consumer-owner engagement in powering Filipino communities”

Isa sa mga tinalakay at binigyang kasagutan sa aktibidad ay ang umano’y pag-utang ng ALECO sa National Electrification Administration (NEA) ng halagang P200M. Bukod dito, nag-uwi naman ng ilang mga papremyo tulad ng mga brandnew TV, e-bike, at marami pang iba ang ilang mga maswerteng nanalo sa AGMA 2024 Raffle Draw.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Dumalo rin sa aktibidad si Legazpi City Councilor Alexander Jao, Albay Provincial Administrator Dvyn Bañares, mga kinatawan ng NEA, at sina Atty. Gabriel Naparato at Atty. Ian Macasinag bilang moderator ng AGMA.