Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at hinimok ang pagsunod ng bansa sa World Anti-Doping Code.

Inatasan ni Marcos ang mga kaugnay na ahensya na palakasin ang Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO), alinsunod sa WADC.
Ibinunyag ni PSC chairman Richard Bachmann na nakikipagtulungan ang ahensya sa Malacanang upang sumunod sa mga kinakailangan ng World Anti-Doping Agency (WADA) legislative.
Maalalang nagbigay ng warning sa ating bansa ang mga internasyonal na kompetisyon tulad ng Paris Olympics, Asian Games, at Southeast Asian Games, sa hindi pagsunod ng pamahalaan sa World Anti-Doping Code.