PSA nilinaw na walang matatanggap na cash ang mga kukuha ng national ID

KORONADAL CITY- PINABULAANAN ng Philippine Statistics Authority o PSA South Cotabato ang mga kumakalat na impormasyon sa mga barangay sa lalawigan na may matatanggap umanong cash na P 5000 hanggang P 10,000 ang mga kukuha ng national ID.

Ayon kay Provincial Statistics Officer Jilmar Grecia na wala itong katotohanan dahil ang pangunahing layunin ng Philippine ID System (PhilSys) ay mabigyan ang lahat ng mga Pilipino ng isang ID upang mapabilis ang transaksyon ng mga ito sa gobyerno at mga pribadong kompanya lalo na sa mga banko.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Binigyang diin ni Grecia na ang mga cash assistance ng gobyerno ay dinadaan sa mga ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi sa PSA.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na huwag agad maniwala sa mga sabi-sabi.

Bagamat walang makukuhang pera, hinihikayat pa rin ni Grecia ang mga mamamayan na kumuha ng national ID para sa mas mabilis na pag-avail ng mga serbisyo ng pamahaalan sa darating na panahon.