Soccsksargen zero COVID related deaths sa loob na ng apat na araw

KORONADAL CITY- WALANG naitalang bagong namatay dahil sa COVID 19 ang Soccsksargen region sa loob na ng apat na magkasunod na araw.

Ito ay batay sa datos ng Department of Health o DOH Region 12 mula noong December 16 hanggang December 19.

Dahil dito, nananatili sa 2,254 ang COVID 19 related deaths sa rehiyon o 3.95% ng kabuuang 57,027 na mga kaso.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala, nadagdagan naman ng walo ang mga new cases ng region 12 dahilan kung bakit umakyat na sa 264 ang aktibong kaso.

Nangunguna sa may pinakamaraming active cases ang South Cotabato na may 102. Ito ay sinusundan ng General Santos City na may 66, Saranggani 49, North Cotabato 45, at Sultan Kudarat na may dalawang kaso.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Umakyat naman sa 54,491 ang recoveries matapos na nadagdagan ng 15 mga bagong kaso.

Ang recovery rate ng rehiyon 12 ay nasa 95.55%.

Sa kabila ng pagbaba ng COVID cases sa Soccsksargen, patuloy pa rin ang panawagan ng DOH sa mga mamamayan na huwag maging kampante, sa halip ay sumunod sa mga ipinatutupad na health protocol.