CAMARINES NORTE – Natapos na ang simultaneous municipal level trainings na isinagawa ng Philippines Statistics Authority (PSA) sa lalawigan ng Camarines Norte para sa gagawing 2022 Census of Agriculture o (CAF).
Nasa 140 hired enumerators at census supervisors ang isinailalim sa training sa loob ng pitong araw mula noong August 14 hanggang 21 ng taong kasalukuyan.
Ito ay upang kanilang maunawaan ang mga konsepto at procedure at makapag produce ng highly qualified census workers na epektibong makakapagbigay ng required output.
Magsisimula ang 2022 CAF enumeration sa September 4 na tatagal hanggang October 25 ng taong kasalukuyan.
Ang CAF ay source ng comprehensive statistics sa agrikultura at fisheries para magamit ng general public, gobyerno, business industries gayundin para sa research at academic institutions.
Una nang ipinaliwanag ni Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao na ginagawa ang ganitong survey sa tuwing ika-sampung taon na bahagi ng mandato ng ahensiya alinsunod sa Republic Act No 10625 o ang Philippine Statistical Act of 2013.
May dalawang bahagi ang survey ito ang Census of households at non-households.
Ang non-household ay kinabibilangan ng mga establishment na-involved sa agriculture and fisheries habang ang survey na gaganapin sa Setyembre ay household at ang mga kakapanayamin ay ang mga nagtatanin ng iba’t-ibang crops, palay at livestock and poultry raisers.
Mula January 1, 2022 hanggang December 31, 2022, ang reference period ng survey. Mayroong sample Barangays sa bawat bayan na ang makukuhang datos ay magre- represent sa buong probinsiya.
