Image ng Divino Rostro naihatid na sa Peñafrancia Shrine sa Naga City

NAGA CITY-  Naihatid na sa Peñafrancia Shrine ang image ng El Divino Rostro mula sa Basicila Minore sa Naga City.

Kahapon habang nag-aagaw ang liwanag at dilim, pinangunahan ni Archbishop Rolando J. Tria Tirona, OCD, DD ang misa sa Basilica Minore, pagkatapos ay isinunod ang prusisyon bilang paghahatid sa image sa old shrine. Dinaluhan ito ng mga deboto na iba-iba ang edad.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ang  pagdating ng imahen sa Peñafracia Shrine ay hudyat ng pagsisimula ng Month Long Celebration ng Biggest Marian event sa Asya.  Ang debosyon sa Divino Rostro ay nagsimula pa noong  1882 o 141 taon na.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ngayong araw ang pagsisimula ng 9 na araw na novena at sa Sept. 8 ang pista nito o ang Traslacion Procession ; ang paglilipat naman ng imahe nito at ni Ina o Nuestra Señora De Peñafrancia sa Metropolitan Cathedral, inaasahang dadaluhan ng milyong deboto