Kumpiyansa ang Philippine Statistics Authority (PSA) na matutugunan nito ang target na 30.1 million printed national Identification ID cards at pag-print ng 19.9 million digital ID cards bago matapos ang taon.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, inilipat na ng PSA ang hindi bababa sa 17.6 million physical National IDs sa PhilPost para mai-deliver sa mga tirahgan ng mga aplikante ng ID.
Iniulat ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang arawang average ng mga nagagawang cards na iniimprenta sa mga pasilidad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay umaabot sa 103,000 na higit pa sa naunang target ng PSA.
Dagdag ni Balisacan, kinakailangan umanong maibigay sa pagtatapos ng taon ang target na 50 milyong ID.
Nauna nang iniutos ni President “Bongbong” Marcos sa PSA na mag-isyu ng 30 milyong national ID sa pagtatapos ng 2022 at maabot ang target na 92 milyon sa kalagitnaan ng susunod na taon.
#