Balikatan joint military exercises sa pagitan ng Philippine at US Military, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ng Philippine at US Military ang kanilang paglahok sa Balikatan 2023 military exercises.

Kaugnay nito, nakilahok ang grupo ng Philippine Army sa isinagawang site survey sa mga lugar na pagdarausan ng naturang pagsasanay.

Sinimulan ang apat na araw na pag-inspeksyon sa ibat-ibang lugar na pagsasagawaan ng ‘military exercises’ sa Northern Luzon noong Agosto 22 hanggang Agosto 26.

Samantala, isang planning conference naman ang isasagawa sa susunod na Linggo sa pagitan ng mga grupo ng Philippine at US military sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Education, Training and Doctrine Command, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Inaasahan naman ng grupo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na itatampok sa Field Training Exercises ang live fire exercises at military urban operations.

Ito na ang ika-38 pagkakataon na isasagawa ang taunang Balikatan exercise ng mga militar.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *