Grupo ng mga ‘hog raisers’, umapelang ipagbawal ang pagpasok ng PAPs

Muling umapela ang ilang grupo ng mga ‘hog raisers’ sa bansa na ipagbawal ang pagpasok ng mga processed animal proteins (PAPs) mula sa bansang apektado ng African swine fever (ASF).

Ito anila ay upang hindi madiskaril ang paggaling ng sektor mula sa muling paggalat ng naturang sakit sa hayop.

Ayon kay National Federation of Hog Farmers Inc. president Chester Warren Tan, nakarating na ang isyu sa Malacañang.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Umaasa naman ang grupo, na muling ipatutupad ng gobyerno ang pansamantalang pagbabawal sa pag-angat ng Pilipinas ng mga ‘fish feed ingredient.’

Kamakailan ay pinayagan ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga processed animal proteins mula sa mga bansang tinamaan ng ASF.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa naging pagtatasa ng Bureau of Animal Industry’s (BAI), hindi gaano o katamtaman lamang umano ang magiging panganib ng muling pagpasok ng virus sa pamamagitan ng pag-import ng PAPs.

Pinipilit naman ng ‘aquaculture sector’ ang ahensya na pahayagan silang magdala ng ‘porcine PAPs’ mula sa mga bansang infected ng viral disease upang makapagbenta ng mga produktong isda sa abot-kayang presyo.
#