CAMARINES NORTE- Hinimok ng Philippines Statistics Authority (PSA) ang publiko na makipag ugnayan sa kanilang opisina o sa mga Local Civil Registrar para sa mga aktibidad na direkta ng mga itong pakikinabangan sa pagdiriwang ng Civil Registration Month.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao na ngayong buwan ay mayroong pagkakataon ang sinuman na maisyuhan ng libreng dokumento ng Office of Civil Registrar.
Batay sa schedule of activities mula noong Pebrero 4 hanggang 28 ay magkakaroon ng mga mobile registration depende sa mga Local Civil Registrar sa kada munisipyo.
Simula naman ngayong araw Pebrero 7- 8 ay gagawin ang training patungkol sa Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) na dadaluhan ng mga LCRO at staff gayundin ng iba pang mga stakeholders.
Gagawin ito via zoom simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Sa Pebrero 9 ay gagawin ang Provincial Elimination for Quiz para sa mga LCRO staff sa pamamagitan din ng zoom.
Sa Pebrero 10 ay magkakaroon ng Lecture Series on CVRS 101 at Regional Virtual CR Quiz kada probinsiya.
ANg mga kalahok dito sa Camarines Norte ay dapat mag attend ng event sa PSA Provincial Office dito sa Daet.
Ilan lamang ito sa mga aktibidad sa month long celebration na may temang Improving Civil Registration and Vital Statistics Implementation Strategies through Digital Transformation.”
