PSA-Bicol may babala sa mga pampubliko at pribadong establishemento na hindi tatanggap bilang valid ID sa National ID

NAGA CITY—Binalaan ng Philippine Statistics Authority o PSA Bicol ang mga pampubliko at pribadong establishemento na maaaring makasuhan at mapanagot oras na mapatunayang hindi tinatanggap bilang valid id ang National ID Card.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Cynthia Perdiz, Regional Director ng PSA Bicol matapos idulog ng ilang indibidwal sa BNFM Naga ang pagtanggi umano ng ilang establishemento sa hawak nilang national ID.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa sumbong ng ilan, may ilang bangko sa Camarines Sur ang naghahanap pa ng iba pang identification card ng kanilang mga kostumer para sa isang partikular na transaksyon. Dahilan umano ng mga ito, wala daw kasing pirma na makikita sa National ID na kanilang iprenesenta. Malinaw ani Perdiz na mayroong paglabag kung totoo man ito dahil sa ilalim ng Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act, ang Phil Card ID ay valid at maaari nang ipresente nang hindi na kinakailangan pa ng karagdagang dokumento bilang pagpapatotoo sa pagkakakilanlan ng kanilang mga kostumer, ito ay may kaakibat na parusa at multang hindi bababa sa P500,000 sa sinumang tanggapan o establishemento na tatanggi dito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts