COVID ward sa CNPH balik na sa regular na kwarto dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Ibinalik na ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) sa regular ward ang dating ginamit para sa mga pasyenteng may COVID- 19.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag ni Provincial Health Officer II Dr. Arnel Francisco na ginawa ito ng pamunuan ng ospital dahil mababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Aniya nitong mga nagdaang linggo ay hindi na lumalagpas sa limang COVID patients ang admission ng ospital.

Sa katunayan ay mayroon na lang umanong dalawang pasyente ang nagpapagaling sa COVID ward ng naturang ospital.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dahil dito mas marami na ang ina- admit na pasyente sa regular ward na kailangan ding pagtuunan ng pansin.

“Siguro mga two weeks na kinonvert namin ang COVID ward yung ibang mga kwarto doon into regular ward kasi nga marami na rin tayong ina – admit na mga pasyente nating regular patient na kailangang bigyan rin natin ng mga kwarto ano, so yun nga part of the strategy kung minsan yung allocation ng mga kwarto dito kailangan din naman nating pagtitingnan,” ani Francisco.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sarado na rin muna aniya sa ngayon ang extended Covid ward bed ng ospital dahil wala nang nadadalang pasyente.

Hanggang kahapon ay nasa 179 na lang ang aktibong kaso ng sakit mula sa mahigit 600 noong Enero.

Kung magtutuloy- tuloy ay posible umanong zero case na ang Camarines Norte pagsapit ng Marso

Sa kabila nito muling ipinaalala ni Francisco sa publiko na huwag maging kampante at sundin pa rin ang health protocols lalo na ngayong niluwagan na ang mga restrictions.