Pinasususpinde na muna ng Procurement Service ng Department of Budget and Management ang lahat ng mga pagbili nito ng mga ‘non-common use supplies’ at mga equipment sa mga tanggapan ng gobyerno.
Ginawa ng bagong PS-DBM Executive Director na si Dennis Santiago ang order sa gitna ng mga anomalyang bumabalot sa nagdaang direktor matapos ang sunud-sunod na pagkaka-flag ng Commission on Audit sa mga binili nitong kagamitan para sa gobyerno.
Kabilang na nga rito ang mga overpriced at outdated na laptops sa mga public school teachers sa DepEd, pati na rin ang pagbili ng mga PPEs mula sa supplier na hindi naman accredited ng FDA.
Ayon kay Santiago, effective immediately ay sinuspinde na muna nila ang kanilang procurement processes.
Dahil dito, hindi na muna tatanggap ang kanilang opisna ng mga procurement requests ng mga non-common use supplies and equipment o mga non-CSEs para makapag-focus namuna sa pangunahin nitong mandato na pagbili ng mga CSEs.
Kabilang sa mga CSEs ay ang mga essential supplies ng mga government offices kagaya ng mga ballpen, papel, staplers, at iba pang office supplies.
#