Higit 20-katao ni-rescue ng mga otoridad matapos abutan ng malakas na ulan sa ilog sa Candelaria

Nagtulong-tulong sa ginawang joint rescue operation ang 1st Provincial Mobile Force Company, lokal na pamahalaan ng Candelaria at Bureau of Fire Protection sa mahigit dalawampu katao sa ilog sa Sitio Lalol, Barangay Taposo, Candelaria, Zambales.

Ito’y matapos ma-stranded ang mga ito dahil sa pagbaha dulot ng malakas na ulan nakaraang linggo ng hapon.

Read More:  Alleged ‘undersized’ culvert linked to Ilog village flooding, DPWH action sought

Ayon kay 1st PMFC Chief Admin PCO at RCSP Team Leader PLT Jesus Rendon, nanggaling sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang mga ito.

Mainit at maganda naman umano ang panahoon noong umaga pero biglang umulan ng hapon na dahilan para bumaha.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Samantala, maging si Candelaria Mayor Byron Jones Edquilang at Vice Mayor Gilbert Hermoso ay tumulong rin umano sa rescue operation.//Russell Banawa-BNFM IBA

PHOTO: Zambales FirstPMFC