PRRD pinatataasan ang bayad sa mga volunteer medical workers ngayong pandemic

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang mga natatanggap ng volunteer medical frontliners.

Sa kanyang talk to the people kagabi sinabi ng Pangulo na kailangan ng mas maraming medical volunteers ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Paliwanag ng punong ehekutibo masyadong maliit ang P5,000 na hazard pay na ibinibigay sa mga health workers at sa mga volunteers dahil peligrong kinakaharap nito sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Inihayag naman ni Pangulong Duterte na hindi pa nito masasabi sa ngayon kung magkano ang idagdag na allowance sa mga volunteer medical workers.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kasabay nito nanawagan naman ang Presidente sa iba ang mga nagtapos ng mga medical at healthcare courses na magvolunteer at tumulong sa bayan sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic.