Nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit P5.024-trillion national budget para sa 2022.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa mga miyembro ng Kongreso para sa maagang pagratipika sa pambansang pondo.
Kinilala rin ng Pangulo ang pagtulong ng mga ahensya ng gobyerno, civil society partners, at iba pang public servants sa pagbuo ng isang napakahalagang batas.
Inihayag ng Punong Ehekutibo na ang pagpasa sa naturang batas ay sumasalamin sa maayos na ugnayan ng lahat ng sangay ng gobyerno.
Matatandaan na niratipikahan pareho ng Senado at House of Representatives ang 2022 General Appropriations Act noong December 15.
Kasama sa mga nilalaman nito ay ang mga alokasyon na may kinalaman sa COVID-19 pandemic, kabilang na ang P50-bilyong na Special Risk Allowances ng medical frontliners, at karagdagang P50-bilyong para sa booster shots.
