Inanunsyo ng Professional Regulation Commission na pumasa ang 318 o 15.25% ng 1,454 examinees sa December 2021 Certified Public Accountant (CPA) licensure examinations.
Isinagawa ng Board of Accountancy ang CPA exams mula December 16-December 18, 2021 sa iba’t-ibang testing centers sa National Capital Region.
Inisyal na itinakda ang pagsusulit noong October 2021, ngunit nasuspinde ito nang malagay ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level System 4.
Gayunman, nagpatuloy ang pagsusulit sa testing centers sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga sa October CPA exams.
Doon ay pumasa ang 361 mula sa 2,367 examinees o katumbas ng 15.25% na kumuha ng exams.
