Electrical, pangunahing sanhi ng sunog sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng tagapagsalita ng Bureau Of Fire Protection – Sorsogon Fire Officer 2 Ted Doloiras na electrical at pagluto gamit ang gas stove ang pinakadahilan ng mga naitalang  insidente ng sunog sa lalawigan.

Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na  ito umano ang dahilan kung bakit kanilang pinapayuhan ang publiko lalo na ang mga nagpapatayo ng bahay na siguruhin na dumaan sa inspeksyon ang kanilang  electrical connection at mga rehistrado ang nag-install o gumawa nito.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Dagdag pa nito maging maingat naman kapag nagluluto gamit ang gas stove at bantayan ang niluluto.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Una rito, sinabi ng opisyal na ngayong taon ay nakapagrehistro sila ng 47 insidente ng sunog kung saan 2 umano sa mga ito ay cigarette butt o upos ng sigarilyo ang naging dahilan.