Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong responsibilidad mula sa pagkamatay ng ilang hinihinalang drug traffickers at maraming alkalde sa gitna ng kaniyang war on drugs.
Inihayag ito ng Pangulo sa gitna ng planong imbestigasyon ng International Criminal Court sa libo-libong mga pagpatay na nangyari sa ilalim ng madugong kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon sa Pangulo, sinadya man o hindi ay inaamin niya na isa siya sa mga may kasalanan.
Giit niya, siya ang dapat sisihin sa mga napatay na mayor at mga politiko na ni-raid ng pulisya.
Nanindigan naman ang Punong Ehekutibo na haharap lamang siya sa mga korte na hawak ng Pilipinas.
