Inindorso ni Davao City mayor at vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio ang senatorial bid ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pagtitipon sa Iloilo City, inihayag ng alkalde ang kanyang mga sinusuportahang kandidato pagka-senador.
Maliban sa Pangulo kasama sa listahan sina former presidential spokesperson Harry Roque, dating senador Jinggoy Estrada, former Defense secretary Gilberto “Gibo” Teodoro,Ex-DPWH secretary Mark Villar, incumbent Antique Representative Loren Legarda at dating Quezon City mayor Herbert Bautista.
Sa isang tweet ng Lakas-CMD na pinangungunahan ni Mayor Duterte, tiniyak nitong nangunguna umano sa kanyang listahan pagka-senador ang kanyang ama.
Magugunitang unang nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Duterte sa pagtakbo ni Mayor Inday sa pagka-bise presidente gayong nangunguna umano ito sa mga surveys ng mga presidentiables.