KORONADAL CITY- NASA 228 na mga monuments at 114 na mga signages ang target na mailagay ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 12 sa pamamagitan ng Protected Area Management Office (PAMO) sa Mt. Matutum Protected Landscape (MMPL) ngayong buwan ng Disyembre.
Kamakailan lamang, nagsagawa na ang DENR-12 at PAMO ng ceremonial groundbreaking ng demarcation ng MMPL sa Sitio Glandang, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato.
Layon ng demarcation na matukoy ang mga sakop at boundaries ng 13,947 hectares na protected area.
Napag-alaman na 10% ng water requirements ng Soccsksargen ay mula sa Mt.Matutum watershed.
