Provincial govt ng So.Cot, namahagi ng tablets sa mga estudyante

KORONADAL CITY- NAMAHAGI ng 2,068 na mga tablets ang provincial government ng South Cotabato at Department of Education sa mahigit 2,000 na mga estudyante.

Ito ang sagot ng lalawigan sa hamon ng virtual learning na ipinatutupad ng DepEd sa gitna ng COVID 19 pandemic.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Napag-alaman na umabot sa P 17 million ang inilaang pondo ng provincial government sa pagbili ng naturang mga gadgets na may kasama ng instructional materials para sa pag-aaral ng mga estudyante.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang edukasyon ay isa sa binibigyan ng prayoridad ng pamahaalaang panlalawigan ng South Cotabato.