Provincial Government of Albay bumili ng mga makina para sa Albay Dairy Farming

LEGAZPI-Bumili ang Provincial Government of Albay ng ilang mga makinang makakatulong para sa pagpapatuloy ng Dairy Farming sa lalawigan.

Layunin umano sng programa ni Albay Governor Al Francis Bichara, ang maisagawa ang mission nito na mabigyan ng suporata ang mga Albay Dairy Farmers at maisaayos ang pagbuhay ng mga albayano.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kasama rito ang pag-procure ng Albay Dairy Plant Machine; Milk Pasteurization Machine, at iba pang processing equipment’s na makikita sa AFB Ville Cabangan sa bayan ng Camalig, Albay.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ang nasabing agricultural establishment ang itinayo bilang pagsiguro na sapat ang suplay ng preskong gatas at matulungan ang mga local farmers sa pagbenta ng kanilang mga produkto sa lokal na merkado.