Protocols para sa HFMD management sa bayan ng camalig, Albay, inilatag ng LGU

Nagpalabas na ng isang memorandum ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Camalig, Albay ukol sa pagdarami ng mga kaso ng hand, foot and mouth diseases (HFMD).

Ang inilabas na memorandum na pirmado ng alkalde nitong si Carlos Baldo, jr., ay tungkol sa pamamahala sa mga kaso ng nasabing sakit.

Batay dito, ipinag-uutos ng alkalde na i-activate ang Municipal Disease Surveillance Unit sa nasabing sakit para sa mga serbisyong may kinalaman sa pagtugon ditto.

Bubuo rin ng information, education at communication campaign teams na pangungunahan ng LGU upang makagawa ng health information education sa mga paaralan at barangay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang DEPED ay mahigpit ding inoobserbahan ang sanitasyon at hygiene ng mga mag-aaral maging ang mga personahe ng paaralan; dagdag pa nito nire-review at ipinapatupad din ang contingency plan ng paaralan para sa gagawing disinfection.

Ipinag-uutos naman sa mga punong barangay na mag-organisa ng nabanggit na mga teams na pangungunahan ng mga purok na magsasagawa ng house-to-house health information education partikular sa mga sambayanang may naitalang kaso ng HFMD.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang mga BHWs naman ay kinakailangang magkaroon ng malapit na koordinasyon sa mga naka-assign na human resource for health and midwives and nurses tungkol sa mga ulat ng mga kaso ng sakit.

Maliban ditto, ang MHO sa pamamagitan ng disease surveillance officer ay kinakailangang magsumite ng ulat o update ng HFMD cases linggu-linggo kasama ng contingency at operational plan sa opisina ng alkalde maging sa MDRRMO.

Inaabisuhan ng LGU Camalig ang publiko na patuloy sundin ang mga ipinatutupad minimum public health standards upang maiwasan ang pagdami ng mga kaso ng HFMD.