Plano ng Legazpi City Business Permits and Licensing Office (BPLO) na ipatupad na sa susunod na taon ang off-site registration para sa pagre-renew ng mga permits at lisensya sa mga negosyo.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Siony Calleja, BPLO Legazpi head, magkakaroon ng mga personahe sa mga barangay partikular ang Homapon, Banquerohan at Rawis.
Aniya, ang mga barangay na ito ay ika-cluster ngunit gagawin lamang ito tuwing araw ng Sabado.
Ang ibang mga barangay umano na hindi bahagi ng off-site registration ay magre-renew sa kanilang itinalang schedule.
Sinabi ni Calleja na ang araw ng Sabado ay para lamang sa off-site registration upang mailapit ang serbisyo sa mga taong nakatira malalayo sa bayan.
Ang mga personahe umano ng kanilang opisina ang mismong pupunta sa mga barangay sa nasabing araw. Sisimulan umano ang planong ito sa buwan ng Enero sa susunod na taon.