Red Alert status, itinaas na sa Camarines Sur dahil sa LPA

NAGA CITY- Itinaas na ang RED ALERT STATUS sa Camarines Sur kahapon Dec. 9, 2022 dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Activated na ang nasa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Response Agencies. Ang LDRRMC naman activated na ang 24/7 Emergency Operations Center. Inabisuhan ang mga response personnel at assets na maging handa sa deployment.

Bawal na ring maglayag ang maliliit at malalaking na sasakyang pangisda base sa memorandum na inilabas ni Gov. Luigi Villafuerte.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, 600 na mga pamilya na nasa High Risk Areas sa Sagñay ang  tinututukan lalo na kung malakas at matagal ang pag-ulan ayon kay Jam Tria ng MDRRMO.

Ibinahagi pa ng opisyal na nakastandy na ang mga personahe sa monitoring sa mga landslide prone areas, flood prone at coastal barangays. Handa na rin pati ang nasa water rescue sa posibleng pagpapalikas, ayon kasi sa forecast ng PAGASA uulanin ang lalawigan nitong weekends dahil sa ay LPA na kung magiging bagyo ay tatawaging Rosal.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Pagbibigay diin ni Tria wala pa man ang mga provincial advisory alerto na sila dahil malaki ang naging aral na iniwan ng TD Usman noong December  2018 na marami ang nailibing ng buhay dahil sa landslides.