Proseso sa sainthood ng 13-year-old na si Niña Ruiz Abad – lumarga na

Sinimulan na ng diocese ng Laoag sa Ilocos Norte ang proseso sa pagkasanto ng 13-taong gulang na si Niña Ruiz Abad.

Pinamunuhan ni Laoag Bishop Renato Mayugba ang formal launch ceremony ng pagkasanto ni Abad sa Cathedral of St. William noong April 7.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Batay sa autobiography – laging may suot na rosaryo si Abad sa kanyang leeg, at may matibay din itong pananalig sa Holy Eucharist.

Lagi rin umano itong bumibisita sa Chapel of Our Lady of Mount Carmel sa Laoag bago pumasok sa eskwelahan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na sa proseso ng pagkasanto, unang iko-compile ang mga sulat at testimonya hinggil sa buhay at kabanalan ng isang kandidata.

Matapos ito, isasagawa naman ang beatification at canonization.