Proseso ng pagrelease ng Philsys ID ipinaliwanag ng PSA Sorsogon; papel ng BSP at Philpost, nilinaw

SORSOGON CITY—Sa harap ng mga reklamo sa natatagalan na pagrelease ng Philsys ID cards ay ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority (PSA) Sorsogon ang proseso nito at ang papel ng dalawang ahensya na katuwang nila sa pamamahagi nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Chief Statistician Elvira Apogñol, inihayag nito na nagmumula pa sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga polycarbonate cards na ginagamit para sa Philsys ID.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nilinaw nito na hindi ang BSP ang namamahala sa printing kundi ang PSA mismo.

Oras na matanggap ang mga polycarbonate cards ay sunod na ang printing ng mga demographic information ng mga nagparehistro at ito anya ang mabusisi kung kaya natatagalan.

Dumadaan pa kasi umano ito sa validation lalo na kung may kaparehong pangalan at detalye sa ibang indibidwal.

Mabusisi rin umano ang paglalagay ng mga security features gayundin ang pag generate ng Philsys number na siyang gagamitin ng isang indibidwal habang buhay.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sunod nito ay ang delivery na trabaho naman ng Philippine Postal Corporation (Philpost) kung kaya tatlong ahensya ang dinaraanan nito bago makarating sa mga mamamayan.

Una na ring nilinaw ng pamunuan ng Philpost na hindi tatagal ng anim na buwan ang delivery oras na matanggap nila ang mga ID cards mula sa PSA.###