Active COVID-19 cases sa Sorsogon sumipa sa 54 matapos muling makapagtala ng 15 bagong kaso

SORSOGON CITY – Patuloy sa pag sirit ang bilang ng tinatamaan ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa pinahuling datus na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO), umabot na ito ngayon sa 54 matapos na muling mapakapagtala ng 15 bagong kaso kahapon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang mga bagong kaso ay mula sa mga bayan ng Barcelona, Bulan, Casiguran, Irosin, Juban, Magallanes, Prieto Diaz at lungsod ng Sorsogon kung saan lima sa mga ito ay mga Health Care Workers, walo naman ang walang travel history habang dalawa ang mga frontliners.

Samantala, nakapagtala ng siyam na recoveries ang lalawigan habang 41 sa mga ipinadalang swab samples ang nagnegatibo sa swab test.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang probinsya ay nakakapagtala na ng kabuuang 8,507 indibidwal na tinamaan ng nasabing sakit kung saan 7,976 nito ang mga gumaling habang 477 ang nasawi.