Nananatiling missing ang beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at ang kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen sa Angeles City sa Pampanga.
Ayon sa Angeles City Police Station 4, nagpapatuloy ang backtracking sa mga CCTVs at nagtatanong sa mga posibleng nakausap ng 2 biktima.
Bago ito ay nagpaalam umano si Geneva sa mga kaanak na pupuntang Capas, Tarlac noong Biyernes para makipagkita sa nagsangla sa kanila ng property.
Nagpapatuloy ang pangangalap ng impormasyon at ebidensiya ng PNP upang matunton ang magkasintahan.
Samantala, sa inilabas na pahayag ng Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization, tiniyak nila sa publiko ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa anumang balita tungkol sa kanyang kinaroroonan.
Ayon sa announcement, walang anumang activities ang pageant noong araw napabalitang nawawala si Lopez.
Hinikayat din ang publiko na tumulong sa pagbibigay ng anumang impormasyon sa kinaroroonan ng dalawa.