Problema patungkol sa nasirang Irrigation System sa Lobo, Batangas, naayos na!

Batangas City – Naisaayos na ng lokal na pamahalaan ng Lobo, Batangas ang isyu patungkol sa Irrigation System sa Barangay Tayuman Lobo, Batangas.

Matatandaan na noong nakaraang May 3, 2023 nang sumulat ang naturang pamahalaan sa National Irrigation Authority, upang malamang kung bakit hindi gumagana ang irigasyon.

Ayon naman sa NIA, dahil ito sa nasirang constructed in-take structure na kagagawan ng isang quarry site, na wala pang isang kilometro ang layo sa irigasyon.

Kaagad namang pinanagot ng NIA ang kompanyang nasa likod ng desilting at dredging at sila ang pinagpagawa sa nasirang istruktura.

Kaugnay nito ay sumulat din ang alkalde ng Lobo sa MGB o Mine and Geosciences Bureau, kung saan binigyan ng suspensyon ang naturang kumpanya.

Sa ngayon ay napapakinabangan na ng mga residente ang irrigation system at lubos naman ang kanilang pasasalamat sa aksyon ng lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *