Produksyon ng tubig sa Dagotdotan nadagdagan  simula ng pumasok ang Primewater

CAMARINES NORTE- Nadagdagan umano ang produksyon ng Dagotdotan simula nang pumasok ang Primewater at magkaroon ng Joint Venture Agreement sa pagitan nito at ng Camarines Norte Water District (CNWD).

Ito ang iginiit ni Primewater Branch Manager Mark Anthony Muroda sa kabila ng kaliwa’t kanang reklamo  ng mga kunsumidores hinggil sa mahina o kawalan ng suplay ng tubig sa iba’t- ibang lugar.

Sa isinagawang Press Conference nitong Miyerkules, sinabi ni Muroda na nang pumasok ang kImpanya ay nasa 9, 000 hanggang 10, 000 cubic meters per hour ng tubig ang nap- produce ng planta.

Dahil dito nagdagdag umano ng filtration facility ang Primewater kaya ngayon ay nasa 13, 000 hanggang 15, 000 cubic meter na ang napo – produce.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Pero dahil sa pagdagdag din ng populasyon ay kailangan din aniyang magdagdag ng suplay ng tubig

Ipinaliwanag rin ni Muroda kung bakit problemado ang ilang lugar sa suplay ng tubig partikular sa Mercedes, Basud, bahagi ng Vinzons at Labo.

Nasa dulo raw kasi ito at bago pa man makapunta sa mga lugar na ito ang tubig ay mayroon ding isyu sa network.

Ang water network umano ng CNWD ay 1970’s pa kaya kinailangang i- rehabilitate.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Nagkataon lang umano na kailangang unahin muna ang pag develop ng source na nakapaloob na raw sa kanilang work plan program.

Nagawa na rin daw ang ibang bahagi ng rehabilitation noong 2018.

Nagkasagawa ng mga pipe lying sa may Vicente Basit, bahagi ng Pandan at Barangay 7 dito sa Daet.

At ngayong natapos na ito ay tititingnan na umano ng Primewater ang epekto sa network bago pa man mag propose ng iba pang set of rehabilitation project.

Sa sandaling matapos na ang ginagawang analysis ay may mayroon nang sunod na batch ng proposal para sa rehabilitation sa 2023.