Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) na tinatamasa na ng mga magsasaka ang epekto ng rice tariffication law.
Ayon kay DA Sec. William Dar, ito ay dahil tuloy-tuloy na ang pagtaas ng mga naaaning palay sa bansa.
Sa katunayan aniya, noong 2020, aabot sa P19.2 million metric tons ang produksyon ng bigas habang noong 2021 naman ay nasa P19.96 million metric tons ang produksyon.

Ito ay sa kabila ng nasa gitna pa rin ng pandemya ang bansa at ng mga nagdaang bagyo sa nakalipas na dalawang taon.
Resulta umano ito ng ibinuhos na pondo ng gobyerno mula Rice Enhancement Competitive Fund mula nang ipasa ang Rice Tariffication Law. //MHEL PACIA-TRINIDAD