Ipinaalala ng Commission on Elections (Comelec) na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-gamit ng red-plated o government vehicles para sa campaign purposes.
Paliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez, hindi maaring gamitn ang government resource para sa partisan political purposes.

Sa kabila nito, nilinaw ni Jimenez na nagbigay ang Civil Service Commission (CSC) ng maraming leeway para sa elective officials.
Pero dagdag ng poll official, kailangang may guidance mula sa CSC hinggil sa naturang usapin, lalo na para sa mga political officers o indibidwal sa elective office. //MHEL PACIA-TRINIDAD