Produksyon ng bangus sa Camarines Norte lumalago pero hindi pa kayang mag-export

CAMARINES NORTE – Posibleng mag export na rin ng Bangus ang Bicol Region sa mga susunod na araw dahil sa magandanmg produksyon nito.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam sa katunayan ay tinatrabaho na umano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkakaroon ng international market ng bangus na mangagaling sa rehiyon.

Pero aminado itong  sa ngayon ay hindi pa kaya ng Camarines Norte na mag export ng bangus.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Gayunman, kumpiyansa si Tiam na lalago ang produksyon ng bangus dahil sa mga proyekto ng BFAR.

Inihalimbawa nito ang fish pen sa Jose Panganiban na isang proyekto ng BFAR na naging maganda ang resulta.

Pero kung may magandang resulta mayroon din namang hindi nagbunga ng maganda at ito ay ang isa pang proyekto ng ahensiya sa Mercedes na fish cage.

Ayon pa kay Tiam, pinagtuunan nila ng pansin ang bangus production dahil madali itong alagaan at paramihin.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na sa isinagawang Milkfish Stakeholders Consultation na ginanap Oktubre nang nakaraang taon sa Provincial Capitol dito sa Daet, sinabi ng BFAR Region V na dati ay nangunguna ang Pilipinas sa Southeast Asia pagdating sab angus production pero ngayon ay pumapangalawa na lang ito.

Nasa 80 %  din ng fingerlings ay nagmumula sa Indonesia at ang nalalabi ay galing naman sa Malaysia.