Proclamation rally ng Robredo-Pangilinan team naging mapayapa

NAGA CITY- Naging mapayapa ang proclamation rally ng Robredo-Pangilinan Team sa Naga City kagabi.

Ito ay ayon sa Naga City Police Office matapos wala namang maiulat na kaguluhan at iba pang insidente hanggang matapos ang malaking okasyon. Nagbantay ang mga tauhan ng  mga unit ng NCPO sa loob at labas ng dalawang malaking Plaza na Plaza Quezon at Plaza Rizal.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Katuwang rin sa pagpapanatili ng kapayapaan sa centro ng lungsod ang mga force multiplier kabilang ang mga barangay tanod.

Sa pagtataya ng NCPO aabot sa 20,000 ang tungo sa lugar upang makita ang mga kandidato,  mapakinggan ang kanilang mga plano at ipakita ang suporta. Inikot rin ng PNP ang ruta ng motorcade para sa kaligtasan ng mga nag-aabang sa kalsada.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Marami rin ang nakikanta at nakisayaw sa mga showbiz personality at banda na aakalaing buwan ng Setyembre kung saan dumaragsa ang publiko sa mga aktibidad may koneksyon sa Peñafrancia Fiesta.  

Matapos ang pagtitipon , agad na nilinis ng mga personahe ng Solid Waste Management Office ang dalawang malaking plaza at paligid nito, nagtapos ang gabi ng balik sa kaayusan ang naging abalang lugar.