Problema sa transportasyon sa Naga City, idudulog na sa mga Barangay Opisyal para sa posibleng solusyon

NAGA CITY – Idudulog na sa mga barangay opisyal ang problema sa transportasyon ng Barangay Balatas at Cararayan, lalo na ng trimobile para sa posibleng solusyon hinggil sa planong pagdagdag sa bilang ng mga kumakayod sa lugar at pagpahaba ng oras sa last trip hanggang alas diyes ng gabi dahil na rin sa mga estudyante at mga empleyado.

Ito ang plano naman ni Barangay Kagawad Gil Belen, Federation President ng Trimobile Operators Drivers Association sa lungsod bilang kanyang aksyon sa problema na matagal na ring nararanasan ng mga pasahero lalo na kung rush hour at gabi.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Belen na kakausapin niya sina Balatas Punong Barangay Ferdinand De Hitta at Cararayan Punong Barangay Rodrigo Agravante,para mailatag niya na rin ang mga naiisip nilang solusyon,lalo pa at nakausap na rin ni City Mayor Son Legacion ang mga pasahero at driver sa naturang lugar.          

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *