Problema sa suplay ng tubig sa Barangay Dumantay, masosolusyunan na

BATANGAS CITY – Lumagda sa isang kasunduan ang pamahalaang lungsod ng Batangas,  Batangas City Water District (BCWD)/Prime Water Infrastructure Corporation, Sangguniang Barangay ng Paharang Kanluran at Paharang Kanluran Rural Waterworks and Sanitation Association (RWSA) upang  matugunan ang kakulangan  ng suplay ng tubig sa mga konsumidores ng barangay Dumantay.

Ang Memorandum of Agreement (MOA) ay nilagdaan nina Mayor Beverley Dimacuha, Prime Water Branch Manager Engr. Chelton Arias, at iba pang mga opisyal.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang nasabing hakbang ay tugon sa utos ni Mayor Dimacuha na agarang masolusyunan ang problemang nabanggit.

Kaugnay nito, sinabi ni Engr Arias na magsasagawa ng tatlong araw na joint pump testing sa huling linggo ng kasalukuyang buwan ang  Prime Water upang buhayin ang deep well sa barangay Paharang Kanluran  na  maaaring pagkunan ng water supply.

Positibo aniya siya na ang pagtatayo ng  Paharang West pumping station #2 ang magiging permanenteng solusyon upang magkaroon ng sapat na daloy ng tubig sa dalawang barangay.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Inaasahan naman na aabot sa 1000 households ang makikinabang sa itatayong proyekto.  

Samantala, sinabi pa ni Engr. Arias na marami pa silang on-going projects ngayong taon sa ibat-ibang barangay na naglalayong ma-improve ang kanilang serbisyo at mabawasan ang mga water interruptions sa buong lungsod.