Problema sa mga paliparan, dapat unahin kaysa sa DOT campaign issue – solon

Nanawagan ang isang mambabatas na itigil na ang pambabatikos sa kontobersyal na slogan campaign ng Department of Tourism na “Love the Philippines.”

Ayon kay Camrines Sur 2nd District Rep. Lray Villafuerte Jr. mas mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga paliparan sa bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Mas makakatulong umano ito para makahikayat pa ng maraming turista na gustong bumisita sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Villafuerte, walang halaga ang mga promotion na ginagawa para sa turismo ng bansa kung hindi naman maayos ang pagpapatakbo sa mga paliparan.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Panawagan ng mambabatas sa publiko at sa pamahalaan na itigil na ang pambabatikos sa slogan campaign ng DOT.