Problema sa kakulangan ng mga guro at ng silid aralan sa Naga City School of Arts and Trade planong idulog sa DepEd Central Office

NAGA CITY – Hinahanapan ngayon ng solusyon ng Division of City Schools at ng local na pamahalaan ng Naga City ang problemang kakulangan ng mga guro at ng silid-aralan ng Naga City School of Arts and Trade o NCSAT na nasa Barangay Sabang.

Ito na lang ang natitirang paaralan sa lungsod ng hindi nakasabay sa full implementation ng  face-to-face classes dahil sa problemang ito.

Read More:  Cebu rape suspect found dead in jail; beating angle under probe

Sa pagharap sa media ni City Councilor Lito del Rosario , Chairman ng Education Committee sa konseho, sinabi nitong nagkaroon na sila ng pag-uusap ng mga opisyal ng DepEd Naga sa pangunguna ni City Schoolds Supt. Dr. Manny de Guzman.

Isa sa nakikita nilang solusyon ay ang iparating ang problemang ito sa central office ng DepEd para magawan naman ng aksyon.

Read More:  Six CTG members surrender in Eastern Visayas

Kaugnay nito, may proposed ordinance naman siyang inilatag na posibleng makatulong pansamantala habang hinihintay pa ang magiging desisyon ng ahensiya.

Una na ring binanggit ni City Mayor Nelson Legacion na over populated ang naturang paaralan ng mga estudyanteng na hindi lang mga taga lungsod kundi galing din sa karatig-bayan.