Pinsalang iniwan ng bagyong Paeng sa Fishery sector sa Camarines Norte pumalo na sa mahigit P26 milyon

CAMARINES NORTE- Pumalo na sa P26, 304, 680 ang iniwang pinsala ng bagyong Paeng sa Fishery sector sa Camarines Norte.

Batay ito sa Damage and Loss Assessment Report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) as of November 6, 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na apektado ng nagdaang bagyo ang kabuhayan ng ng nasa mahigit 160 fisherfolks sa lalawigan.

Sa P26. 3 milyon na pinsala nasa P23. 6 milyon dito ay sa aquaculture tulad ng fish cages at fish pen, fish pond at seaweeds habang nasa P3. 2 milyon naman ang tinatayang pinsala sa capture dahil sa pagkasira ng bangka at gamit sa pangingisda tulad ng lambat.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Apektado nito ang karamihang bayan sa lalawigan pero ang pinakatinamaan ay ang Mercedes.

Ang mga nakalap na report ay isinumite sa Regional Office at sa Central Office para sa gagawing validation.

Ayon kay Tiam bagamat matatagalan ang pagdating ng tulong sa affected fisherfolks ay sigurado naman aniyang mayroong darating.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ang kailangan lang ay rehistrado ang affected fisherfolks at ang kanilang mga bangka na siyang pagbabasehan ng tulong na ibibigay ng gobyerno.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng opisyal kung anong ayuda ang ibaba ng kanilang central office.

Ang Provincial Fishery Office ay magpapatupad lang aniya kung ano mang programa ang ibaba ng kanilang nakatataas na opisina.