4 na ‘tulak,’ arestado sa pinaigting na operasyon ng Pulis Kasanggayahan laban sa iligal na droga

Naaresto ng SPPO ang apat na drug peddlers sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Sorsogon, dahil ito sa pagpapaigting ng kampanya laban sa iligal na droga.

Magkasabay na nagsagawa ng buy-bust operations subalit sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ang mga drug enforcement units ng Pulis Kasanggayahan.

Bunsod nito, arestado ang tatlong indibidwal sa Brgy Carriedo, Irosin na kinilalang sina Niño Conde, 24-anyos, binata, security guard; Mark Joshua Grieta Aragon, 24-anyos, binata, freelance event coordinator at walter Aringo Berba, 25-anyos, binata, walang trabaho lahat residente ng nasabing bayan.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nakumpiska sa mga ito ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68K at dalawang gramo ng pinatuyong Marijuana na nagkakahalaga ng P240.00.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Kinagabihan, sa Brgy Cabarbuhan, Bacon District ay tiklo din sa buy-bust ang isang street level na tulak ng droga na si Onofre Doma Vargas Jr., 46-anyos at naninirahan sa nasabing lugar.

Nakumpiska dito ang 0.3 gramo na shabu na may street value na mahigit P2K.

Nahaharap na ang mga suspek sa kaukulang asunto.