Problema sa brownout, pagsisikapang masolusyunan ng mga bagong BOD ng SOCOTECO – 1

KORONADAL CITY- PINASIGURO ni South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO-1 District 1-A Board of Director (BOD) Santiago Tudio, na sisikapin nito na mabigyan kaagad ng solusyon ang concerns ng mga konsumedor kaugnay sa kuryente.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Tudio, inihayag nito na maraming problema ang kanayang nakita kaugnay sa kuryente na naging dahilan ng mga brownouts.

Ayon kay Tudio, may mga resolusyon ito na gagawin para sa benipisyo ng mga konsumedaor.

Napag-alaman na nanalo si Tudio makaraang nakakuha ng 97 na mga boto na nagmula sa mga konsumedor ng District 1-A at nag-iisa lamang na kandidato ng naturang distrito.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Sa ngayon, pag-aaralan umano ni Tudio ang ilan sa mga paraan upang mabigyan ng mabilis na aksyon ang mga problema sa suplay ng kuryente at iba pa.

Samantala, pinasiguro naman ni Leonard Bonzo, ang ideneklarang panalo bilang Board of Director ng South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO-1 District 1-B na ibalik ang buwanang clearing operation sa mga linya ng kuryente.
Inihayag ni Bonzo, isa sa mga rason ng brownouts na nararanasan ay dahil sa mga dahon, sanga ng mga kahoy at iba pang sumasagabal sa linya ng kuryente.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Ayon kay Bonzo, inalis umano sa ngayon ang naturang programa dahil nadin sa mga polisiyang ipinatupad.
Nilinaw ni Bonzo, na malaking tulong ito upang maiwasan ang mga brownouts na nararanasan sa buong sakop ng SOCOTECO-1.

Dagdag ni Bonzo, na may partisipasyon ang bawat barangay sa lungsod para sa naturang programa.
Samantala, tutukan naman nito ang ilan sa mga bagay-bagay upang mapababa ang presyo ng kuryente sa lalawigan.