City Traffic, may apela sa mga commuters at drivers sa Koronadal

KORONADAL CITY- UMAPELA ngayon sa publiko at sa mga tricycle drivers ang pamunuan ng City Traffic Management Office o CTMO ng Koronadal na sundin ang patakaran ukol sa pagsasakay ng dalawang pasahero lamang dahil sa banta ng Covid-19.

Matatandaan na dalawang pasahero kada tricycle ang pinatutupad sa syudad kung saan ang isa ay sasakay sa loob ng tricycle habang sa likurang bahagi naman ang isa. Ito’y upang masunod ang social distancing laban sa Covid-19 at maiwasan ang hawaan ng nabanggit na sakit.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ngunit sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Joy Placer, hepe ng CTMO, sinabi nito na may nahuhuling silang mga tricycle drivers na higit sa dalawa ang sakay na pasahero.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Depensa naman ng mga tricycle drivers, mga pasahero umano ang namimilit na sumakay ng higit sa dalawa dahil magkakamag-anak lamang umano ang mga ito.

Ngunit nilinaw ni Placer na hindi exempted sa nasabing batas ang mga magkakamag-anak sa halip dapat sumunod ang lahat dahil para ito sa kapakanan ng nakararami.